What's on TV

WATCH: 'Super Ma'am,' sunod na makakalaban ang tiyanak?

By Bea Rodriguez
Published December 4, 2017 5:53 PM PHT
Updated December 4, 2017 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS teases cryptic date, wipes Instagram account
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan sa Super Ma’am mamayang gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.

Mauubos pa kaya ang mga kalaban ni Super Ma’am? Ang mga masasamang Tamawo ang una niyang nakalaban, sunod ang mga manananggal at engkanto. Dadagdag ba sa listahan ang tiyanak?

Matapos makuha nina Minerva at Jake ang lunas ni Katitay sa mundo ng mga engkanto sa pamamagitan ng isang lagusan, mukhang hindi nila ito nasarhan nang maayos.

May nakalabas sa lagusan na kakaibang elemento sa anyo ng isang tiyanak. Ito ba ang susunod na makakalaban ng ating Tagachu? Abangan sa Super Ma’am mamayang gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.