
Namaalam na ang pinakamamahal na guro ni Teacher Minerva, si Aling Ceres. Sa pagkamatay ng dakilang Tagachu, lalong pagbubutihin ni Super Ma’am ang kanyang tungkulin bilang tagapagligtas ng mga tao laban sa mga Tamawo.
Hawak na ni Minerva ang banga ni Dalikmata habang patuloy pa rin ang kaguluhan na dinadala ng mga Tamawo sa mundo ng mga tao.
Ano kaya ang magiging plano ni Super Ma’am laban sa kanyang mga kaaway? Abangan sa klase niya mamayang gabi, pagkatapos ng 24 Oras.