
Akalain niyo, may resbak si Super Ma’am? Sila ang Super Teens!
Nagpakilala na ang Super Teens kay Super Ma’am sa kanilang laban sa manananggal na si Katitay. Sila daw ang kasangga ng ating super bida sa kanyang mga matitinding laban.
“We’re a team. We’re here to help you. Kami ang Super Teens!” pakilala ng mga bagets na lihim na mga estudyante ni Teacher Minerva na sina Kristy, Michelle, Onion, Eric at Dina. Sila ang nakakuha ng ibang sakras.
Hindi alam ng Super Teens na ang lihim na pagkatao ni Super Ma’am ay ang kanilang hero sa classroom na si Teacher Minerva.
Abangan ang mga laban ng Super Teens kasama si Super Ma’am, gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.