
Laugh trip ang espesyal na episode ng Tonight with Arnold Clavio kasama sina Igan, Super Tekla at My Korean Jagiya stars na sina Alexander Lee at Heart Evangelista.
Ang most requested guest host ng show na si Super Tekla ang naging English translator ng Korean idol sa mga Tagalog questions ni Igan sa show.
Sadyang nakakatawa ang pagsalin ni Super Tekla sa mga tanong ni Igan ngunit kuhang-kuha naman ni Alexander ang ibig sabihin.
Umabot na sa 4.4 million views ang #Igan30YearsOnTWAC episode sa loob lamang ng isang araw.