What's on TV

WATCH: Super Tekla, ibinahagi ang kanyang birthday wish sa 'Sunday PinaSaya'

By Bea Rodriguez
Published January 15, 2018 6:46 PM PHT
Updated January 15, 2018 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: March 10, 2026
Pila ka Shipping Companies sa Cebu, Nagpatuman og usbaw sa Plete | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



"...Sana marami pa akong Pilipinong mapatawa in my own little ways." - Super Tekla

Sinorpresa ng Sunday PinaSaya  ang Kapuso comedian na si Super Tekla bago natapos ang “Show na ni Dugong” kahapon (January 14). May segue na pa-birthday si Mr. President sa usiserang announcer ng show.

Makabuluhan ang mensahe ni Dugong sa birthday celebrant, “[Ang] nakikita namin dito sa Sunday PinaSaya [ay] kung paano mo binago ‘yung pagkatao mo [at] kung paano mo tinalikuran ang mga bagay na hindi mo dapat harapin. Higit sa lahat, ano man ang dumating na pagsubok sa iyo Tekla, ibig sabihin, iyon ay ipinagkaloob. Maluwag mong tanggapin nang walang halong [pag]-aalinlangan. Happy birthday sa iyo!”

Sinakyan naman ni Tekla ang pang-aasar sa kanya ng kanyang Sunday PinaSaya family. Aniya, “Maraming-maraming salamat sa Sunday PinaSaya, mga Kapuso ko at kapamilya. Salamat sa pa-birthday. Ang wish ko [ay] sana hindi ako mahuli.”

Nagbibiro man ang komedyante, napabilib naman niya ang kanyang co-stars sa kanyang birthday wish, “Good healthy always, and of course, sana marami pa akong Pilipinong mapatawa in my own little ways. Thank you so much.”