What's Hot

WATCH: Super Tekla may paandar na contest sa premiere night ng 'Kiko En Lala'

By Cara Emmeline Garcia
Published September 24, 2019 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jabari Smith Jr., Kevin Durant power Rockets past Pelicans
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News



Sa premiere night ng kanyang pelikula ngayong gabi, September 24, sa SM Megamall, may paandar na naisip si Tekla sa kanyang fans.

Naghatid ng saya ang Kiko En Lala stars na sina Super Tekla, Kim Domingo, Jo Berry, at Kiray Celis sa isang mall show noong weekend.

Super Tekla
Super Tekla

Katulad sa makikitang eksena sa pelikula, bentang-benta ang jokes at punchlines ni Tekla sa mga manonood.

Natural na natural na para sa komedyante ang magpatawa kahit sa likod ng camera.

Aniya, gusto lang naman niyang ma-destress ang mga Kapusong humahanga sa kanya.

“Yes! Kailangan po talaga 'yun para mawala at 'di natin mapansin 'yung puyat, pagod, at saka stress kaya kailangan mong mag-entertain.”

#KikoEnLalaPremiereNight Seotember 24 at SM Megamall Cinema 2.

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada) on


LOOK: At the grand media conference of “Kiko En Lala”

At sa premiere night ng kanyang pelikula ngayong gabi sa SM Megamall, may paandar na naisip si Tekla sa kanyang fans.

Isa-isa raw niyang pararampahin sa red carpet ang mga sasali sa “Dress Like Tekla” contest at doon siya mismo pipili ng winner.

“Manamit kayo ng tulad ko kung paano ako manamit, sa buhok at makeup, sa mukha medyo pass tayo dun kasi ang hirap talaga. Kung resemblance lang naman, why not?

"Ang mapipili ko, bibigyan ko ng papremyo.”

Mapapanood simula September 25 ang Kiko En Lala sa mga sinehan, nationwide.

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:


Super Tekla showcases comedic prowess in Backyard Productions's 'Kiko En Lala'

WATCH: Kilalanin ang kambal sa 'Kiko en Lala' | Trailer