What's Hot

WATCH: Super Tekla, naiyak sa suportang natanggap ng 'Kiko En Lala'

Published September 26, 2019 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pulis, patay matapos barilin habang nasa lamay sa Iligan
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Marco Masa attends movie premiere with his Kuya Justin

Article Inside Page


Showbiz News



HIndi napigilian ni Super Tekla na maging emosyonal sa movie premiere ng 'Kiko en Lala' dahil sa mainit na suportang natanggap mula sa mga Kapuso.

Kahit na isang komedyante si Super Tekla at puno ng katatawanan ang pelikulang Kiko En Lala, hindi nito napigilan na maging emosyonal sa kanyang movie premiere noong Martes, September 24.

Super Tekla
Super Tekla

Ani Tekla, hindi raw niya inasahan ang kaliwa't kanan na suporta sa kanya ng Kapuso network lalung-lalo na nang ilang Kapuso stars na dumalo sa red carpet event.

“Nagpapasalamat ako sa GMA, ang aking tahanan, sa pagtitiwala sa aking talento at mabigyan ako ng pagkakataon at pambihirang blessings tulad nito.

“It's really a matter of sacrifice.

“Kahit gaano ka kasaya, pero sa ngalan ng sakripisyo… naiiyak ako kasi it's really a big sacrifice kung baga sinacrifice mo yung kaligayahan mo,” bahagi nito kay Cata Tibayan.

Mas naging espesyal rin ang premiere night para kay Tekla dahil present rin ang kanyang anak na si Airah na galing pang Bacolod.

IN PHOTOS: Kapuso stars attend the red carpet premiere of 'Kiko en Lala'

Sa premiere night, nakilala rin ni Super Tekla ang kanyang fans na sumali sa “Dress Like Tekla” challenge.

Namangha ito sa mga dumagsang fans na nag-ala Tekla sa red carpet.

Aniya sa kanyang Instagram, “Maraming salamat mga kamukha ko! Este Kapuso pala sa pag suporta nyo sa akin.

“Talagang wala man lang dumating na lumamang sa akin? Its a tie talaga??? Sinabi ko naman #DressLikeSuperTekla hindi look alike ko kc akala ko nag-iisa lang itong mukhang to! Marami pala kami!!!!

“Kidding aside, ohhhh ha! Hahaha salamat po sa suporta.”

Maraming salamat mga Kamukha ko! Este Kapuso pala sa pag suporta nyo sa akin. Talagang wala man lang dumating na lumamang sa akin? Its a tie talaga??? Sinabi ko naman #DressLikeSuperTekla hindi look alike ko kc akala ko nag iisa lang itong mukhang to! Marami pala kami!!!! 😀😀😀😀😀 Kidding aside, ohhhh ha! Hahaha salamat po sa suporta. 🙏 #KikoEnLalaNowShowing

Isang post na ibinahagi ni SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada) noong

Mapapanood na ang Kiko En Lala sa mga sinehan nationwide.

WATCH: 'Kiko En Lala' mapapanood na!

WATCH: Super good vibes with Super Tekla sa 'Unang Hirit'