What's Hot

WATCH: Susan Ramsey, naglabas ng sama ng loob tungkol sa kanyang half-sister na si Jaya

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 8:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi napigilang maglabas ng sama ng loob ni Susan Ramsey tungkol sa kanyang half-sister na si Jaya ngayong babang-luksa ng kanilang inang si Elizabeth Ramsey.


Hindi napigilang maglabas ng sama ng loob ni Susan Ramsey tungkol sa kanyang half-sister na si Jaya ngayong babang-luksa ng kanilang inang si Elizabeth Ramsey.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, hinukay ang labi ng yumaong singer-actress at ibinyahe patungong sa San Carlos City, Negros Occidental kahapon, October 7, para sa unang anibersayo ng kamatayan ni Elizabeth ngayon, October 8. Ito raw ang huling habilin ng ina nina Susan at Jaya.

Sambit ni Susan, “It was Jaya’s wish to cremate her, not my mom’s wish.”

“In the deathbed, ‘yun pa rin ang sinasabi sa akin ng mama ko, na kung ano mangyari sa kanya, ilibing siya. Wag siyang i-cremate,” dagdag nito.

Patuloy na naglabas ng sama ng loob si Susan tungkol sa kanyang half-sister.

Pahayag niya, “She didn’t even visit her mother, not even.. maybe once a year, not even [on] Christmas, not even [on] Mothers’ Day. How many times na naaabutan ko ang nanay ko nakatira sa bahay na may mga daga. She lives in a mansion, she can even put her mother in a decent house. I mean, what kind of daughter is that.”

Malalim daw ang pinag-ugatan ng kanilang hidwaan.

“She closed her door to her family when she became Jaya. For her to invite me at her house, ang sabihin niya, ‘Hindi naman tayo magkapatid eh, magkaiba tayo ng tatay eh.’ That really hurt and I carried that all my life,” ani Susan.

Dugtong pa niya, “Before mama died, I was trying to introduce you to a show, anong sabi mo sa akin? ‘Oh, hindi na ako Ramsey, Gotidoc na ako eh.’ Really? Now that mama is dead, you’re gonna use Ramsey. Mama made her name as Ramsey. Without her, you would never be Jaya. Never.”

Hindi naman nagbigay ng mahabang pahayag si Jaya sa text message na ipinadala niya sa GMA News.

“I would rather not say anything out of respect sa nanay ko,” wika niya.

Ayon sa parehong ulat, balak maglabas ng libro ni Susan tungkol sa buhay ng kanilang ina. Nag-alay rin siya ng kanta para kay Elizabeth.

Video from GMA News