
Taki meets Michael V.! Si Taki na ba ang magpapataob kay Bitoy?
Kamakailan lamang ay nakilala ng Sunday PinaSaya star na si Taki ang Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento star na si Michael V.
Nakapanayam ng young actress ang beteranong komedyante sa ComicCon Asia 2018 para sa kanyang vlog. Bahagi ng vlog ni Taki ay ang joke time with “the” Michael V.
Ngunit hindi pa nagsisimula ang joke time ay natatawa na si Bitoy sa dalaga. “A sign of a true comedienne,” saad niya patungkol kay Taki na agad naman itong sinagot ng aktres, “I’m so effortless. It’s in my genes.”
Alam niyo bang tawang-tawa si Bitoy sa inside joke ng dalaga? Tila pumasa sa beteranong komedyante ang joke ng young actress.
Ano kaya ang naging joke ni Taki kay Michael V.? Panoorin sa video na ito:
Nakipag-emoji challenge rin si Taki kina Bitoy, Myrtle Sarrosa, Regine Tolentino, Daiana Menezes at Nana Kuronoma.