
Sa Sulipan Bridge sa Apalit, Pampanga kinunan ang isang eksena ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan binalak ni Thea (Yasmien Kurdi) na tapusin na ang kanyang buhay.
Kitang kita sa isang Facebook video sa MADZ Latest page kung gaano kainit na tinanggap ng mga taga Pampanga ang cast na sina Yasmien Kurdi, Jackie Rice at Mike Tan.
Patuloy na subaybayan ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, weekdays pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.