
Tila all is well na nga sa pagitan nina Robin Padilla at sa boyfriend na anak nitong si Kylie Padilla na si Aljur Abrenica. Sa naganap na birthday party ni Baby Alas, anak nina Kylie at Aljur, nakitang nagmano si Aljur kay Robin.
At si Aljur mayroon pang hiling, "As much as possible sana mas marami pang ganito, kahit walang okasyon sana magkita-kita."
Samantala, very hands-on at intimate ang naging party ni Baby Alas. Dinaluhan din ito ng mga close friends ng couple at mga celebrities tulad nina Gabbi Garcia, Diana Zubiri, Drew Arellano, Iya Villiana, Robin Padilla at Mariel Rodriguez.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: