
Nag-enjoy na at nakatulong pa ang Team Descendants of the Sun sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.
Noong nakaraang Linggo, February 9, sumali ang cast members ng serye na sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, at Andre Paras sa 'Familympics' game ng All-Out Sundays. Nagsilbing leader ng grupo ang host ng noontime show na si Kakai Bautista.
Nagwagi sila kontra Team Love of My Life sa 'Pa-Sako' round at nag-advance sa jackpot round na 'Pera Perya.'
Php 70,000 ang kabuuang premyo na napalanunan ng Team Descendants of the Sun na kanilang i-do-donate sa relief operations sa South Luzon.