What's on TV

WATCH: Tekla, nasa moving on stage pa rin daw ng pagkawala sa 'Wowowin'

By Michelle Caligan
Published July 15, 2017 2:42 PM PHT
Updated July 15, 2017 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Inihalintulad ni Tekla ang pagkawala niya sa 'Wowowin' sa "nagka-boyfriend tapos hiniwalayan."

Isa sa mga bisita ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa July 15 episode ng Sarap Diva ang komedyanteng si Super Tekla.

LOOK: Super Tekla, may aaminin ngayong Sabado sa 'Sarap Diva'

Sa panayam niya with the Asia's Songbird, inamin ng dating Wowowin host na nasa moving on stage pa rin siya sa pagkawala sa naturang programa.

"Until now, nasa stage pa rin ako ng pag-move on. Para akong nagka-boyfriend tapos hiniwalayan."

Aniya, ramdam naman daw niyang walang tampo si Willie Revillame sa kanya, at lagi raw siyang magpapasalamat kay Kuya Wil sa kung ano man ang marating niya ngayon. Hindi rin napigilan ni Tekla na maluha habang nagbibigay ng mensahe kay Willie.

"Hindi man tayo nagkaroon ng closure sa kung ano man. Kumbaga 'yung side ko, hindi mo pa napakinggan. Masakit sa loob ko na hindi ko naipagtanggol ang sarili ko, pero mas pinili ko 'yung tumahimik. Pero naaawa ako sa mga fans na pinuputakte ako sa [social] media na 'Teks, please come back sa Wowowin.'"

Panoorin ang Sarap Diva segment dito: