
Tinanggap ni Super Comedian Tekla ang mga hamon ni Drew Arellano sa 'Let's Do It, Let's Drew It' segment ng AHA!
Unang sumabak ang comedian sa 'walang tatawa' challenge na may dalawang rounds. Sa unang round, kailangan nilang i-translate ang ilang tricky Tagalog statements sa English kung saan nanalo si Drew. Bumawi naman si Super Tekla sa ikalawang round matapos niyang pigilin ang kanyang tawa sa ilang pun jokes.
Game ring sumabak si Tekla sa face biscuit challenge kung saan ilalagay ang biskwit sa noo hanggang sa bumaba ito sa bibig nang hindi ginagamitan ng kamay. Sino kaya ang nagwagi sa challenge na ito?
Alamin sa June 3 episode ng AHA!: