
Dahil sa kanyang viral Beyonce parody videos, nakuha sa programang Sarap Diva ang call center agent at comedian na si Terry Gian.
Bilang regular na bahagi ng show, malaki daw ang naitulong nito sa kanya lalo sa sa pinansiyal na aspeto.
Pero malaking bagay din para sa kanya ang makilala si Regine Velasquez na isang taong lubos niyang tinitingala.
"Bilang beki, nakilala mo si Regine. Isa 'yun sa personal sa akin na parang nakilala mo 'yung icon ng mga beki," paliwanag ni Terry.
Lubos din daw ang kanyang enjoyment sa pagtatrabaho kasama ito.
"Masarap katrabaho si Ate kasi dahil nga kahit papano bago parin ang tingin ko sa sarli ko. Bago pa rin sa showbiz, inaalalayan niya ako lagi. Kasi nga ako yung comedy relief, minsan bibigyan niya ko ng moment na maka-banter ako," kuwento niya.
Panoorin ang feature ng programang Tunay Na Buhay kay Terry: