
Nasa Pilipinas ngayon ang Thai internet sensation na si Mader Sitang, at ayon sa ulat ni Lhar Santiago, malapit daw ang loob nito sa mga Pinoy.
Naging viral si Mader Sitang dahil sa kanyang signature head bang dance videos na punong-puno ng kumpiyansa. Sa katunayan, may isa siyang post na umabot ng 60 million ang views.
Maliban dito, siya rin ay isang abogado at masasabing malapit ang loob niya sa mga Pinoy dahil sa kanyang pag-donate ng malaking halaga para sa mga biktma ng super typhoon na Yolanda.
Kamakailan, dumating sa bansa ang 56 year-old na internet sensation.
Pahayag niya sa tulong ng kanyang interpreter, “Thank you so much because today we are here in the Philippines and we are so thankful.”
“Ako po as a manager, as a producer po niya, dadalhin ko siya sa na internationally para mag-promote po,”dugtong naman ni Wilbert Tolentino.