What's Hot

WATCH: 'The Clash' finalists Garrett Bolden at Mirriam Manalo, na-release na ang kani-kaniyang bagong single

By Cara Emmeline Garcia
Published August 29, 2019 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News



Maririnig na ang “Handa Na Maghintay” at “Una Ka” sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital stores worldwide.

Overwhelmed si former The Clash finalist Garrett Bolden sa suporta na natatanggap niya ngayong lumabas na ang kanyang ika-2 single na “Handa Na Maghintay.”

Garrett Bolden at Mirriam Manalo
Garrett Bolden at Mirriam Manalo

Ayon kay Garrett, maliban sa pagiging isang love song ay inihahandog niya ang kanta para sa kanyang ama.

Aniya, “It took me siguro mag-18 o 19 na ako nung nakilala ko siya.

“So, it's something na hinintay ko simula nung bata pa ako.”

Maliban kay Garrett, naging emosyonal rin ang kanyang co-Clasher na si Mirriam Manalo.

Nakuwento kasi ni Mirriam na may pambihirang sakit ang kanyang 6-month old na baby na si Layla Elleina at umaasang malalagpasan ang pagsubok na ito.

Sambit ni Mirriam, ang kanyang anak ang nagsilbing inspirasyon niya sa bagong single na may pamagat na “Una Ka.”

Ang “Handa Na Maghintay” at “Una Ka” ay produced under GMA Music at mapapakinggan na sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital stores worldwide.

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:

Garrett Bolden and Mirriam Manalo fulfill dream in release of new single

IN PHOTOS: At Garrett Bold and Mirriam Manalo's bloggers' conference