What's on TV

WATCH: 'The Clash' Season 2 contestants, mas palaban

By Cara Emmeline Garcia
Published September 12, 2019 10:56 AM PHT
Updated September 20, 2019 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heavy rainfall warning up over several Visayas areas
Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) FEBRUARY 10, 2026 [HD]
2,499 blood bag, nalikom sa bloodletting projects ng GMAKF at GMA Regional TV

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong linggo, ipinakilala na sa publiko ang 64 contestants ng season two ng 'The Clash.' Sa kani-kanyang intro video, ipinakita nila kung bakit sila deserving na makasama sa singing competition.

Ngayong linggo, ipinakilala na sa publiko ang 64 contestants ng season two ng The Clash. Sa kani-kanyang intro video, ipinakita nila kung bakit sila deserving na makasama sa singing competition.

The Clash
The Clash

Kaya naman kung ilalarawan sila nina Clash Masters Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, anila'y mas handa at mas palaban ang mga ito.

Dagdag pa ng dalawa, baka mas mahihirapan raw ang judges, na binubuo nina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Aiai Delas Alas, sa pagpili rito.

Pero paliwanag ni Christian, “It's easier kasi tatlo kami.

“We're with Miss Aiai Delas Alas, of course, so laging nagkakaroon ng tie-breaker.”

A musical filled afternoon with The Clash season 2 hosts and judges during #TheClashS2MediaCon

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

Kuwento naman nina journey hosts Ken Chan at Rita Daniela, mas attached sila sa 64 clashers dahil nakikila nila ito nang malapitan backstage.

Sambit ni Ken, “Akala namin kami ang makakapagbigay sa kanila ng mga advice. Hindi pala! Mas may natututunan kami sa kanila as journey hosts.

“Ang dami naming napupulot na aral sa kanila at doon ako nagulat.”

Magbabalik telebisyon ang The Clash, simula September 21.

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

WATCH: Ano ang hanap nina Lani, Aiai, at Christian sa 'The Clash' Season 2 contenders?

IN PHOTOS: 'The Clash' Season 2 media conference