What's on TV

WATCH: The first full episode of 'The Gift'

By Marah Ruiz
Published September 17, 2019 5:49 PM PHT
Updated September 18, 2019 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 20, 2026
Awarding Ceremony sa mga Nakadaog sa Sinulog Grand Parade 2026, Gipahigayon | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Buo at libreng mapapanood online ang unang episode ng pinakabagong GMA Telebabad series na 'The Gift.'

Buo at libreng mapapanood online ang unang episode ng pinakabagong GMA Telebabad series na The Gift.

Nang aksidenteng mabaril si Sep (Alden Richards) sa isang riot sa Divisoria, tatakbo sa isip niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya bago ang sandaling iyon.

Maalala niya ang payak pero masayang buhay niya kasama ang amang si Gener (TJ Trinidad) at inang si Nadia (Jean Garcia).

Mababaon sa utang ang pamilya nang manakawan si Nadia ng mga itinitindang alahas at masira ang tricycle na ipinapasada ni Gener. Bukod dito, mao-ospital pa si Sep dahil sa pneumonia.

Dahil sa sunud sunod na pagsubok, mapipilitan si Gener na kumapit sa patalim at susubukang magnakaw mula sa isang bangko.

Panoorin ang buong pilot episode ng The Gift.



Huwag palampasin ang susunod ng episodes ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

TJ Trinindad, inulan ng papuri sa kanyang pagganap sa 'The Gift'

World premiere ng 'The Gift,' mainit na tinanggap ng netizens