
Na-miss n’yo ba ang laglagan moments ng iniidolo ninyong artista?
Puwes, tumutok sa merry kantahan ng All-Star Videoke this coming December 24 para sariwain ang pinakatumatak na eksena sa patok na Kapuso weekend game show.
Abangan ang pamaskong handog na ito kasama ang mga hosts na sina Betong Sumaya at Solenn Heussaff sa Sunday Grande sa gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.