
Tampok sa mga manonood ng 'Unang Hirit' ang mga hugot lines ng mga karakter sa The One That Got Away. Trending pa ang mga ito sa social media.
Kaninang umaga, sinagot ng stars ng hit GMA Telebabad show ang mga hugot at nagbigay pa ng mga relationship advice.
Nag-react si Lovi Poe sa hugot ng kanyang karakter na si Alex, “Alam mo ‘yung kuntento ka na tapos one day may darating para guluhin ‘yung utak mo?”
Nakaka-relate umano siya sa kanyang karakter, “Sobrang gets ko ito. Choice mo kung magpapagulo ka ng utak mo or hindi, kasi minsan may mga bagay or mga taong dumarating sa buhay mo na pwedeng siya ‘yung sagot sa lahat ng mga tanong mo or pwedeng, siya ang distraction sa lahat.”
Forever namang nasa puso ni Rhian Ramos ang kanyang mga lost loves, “Ganun talaga when you have lost someone. It doesn’t mean they’re not around, they’re still in your heart, they’re just physically not there lang.”
Benta naman para kay Max Collins ang "everyone kaysa ‘the one."
“Okay lang iyan kasi at least may everyone ka [at] hindi ka nag-iisa. Kahit wala kang the one, ‘di bale na, darating din iyan.”
Para naman kay Dennis Trillo, kailangan maging kayo muna para masabi mong TOTGA mo ang isang tao, “Dapat maging kayo muna para malaman mo na siya ‘yung The One That Got Away dahil kapag naging kayo, doon mo siya mas makikilala eh.”
Ayon naman kay Jason Abalos, darating din ang taong itinakda ng Diyos para sa iyo, “Kung sino ang binibigay ng Panginoon, siya ‘yung talagang para sa iyo.”
Nagpapasalamat ang The One That Got Away stars sa suporta at mas ginaganahan pa sila na pagbutihin para mas mapaganda pa ang kanilang show. Tutukan gabi-gabi ang kiligserye ng GMA!