
Break muna sa away ang The Stepdaughters stars na sina Megan Young at Katrina Halili kasama ang kanilang mga backup na sina Karenina Haniel at Donita Nose.
Kunwari ay sasabak na sa kanilang mga matitinding na eksena ang stars ng hit GMA Afternoon Prime soap pero sa kalagitnaan ng kanilang catfight ay may ibang pakulo ang mga aktres.
Mauuwi pala sa Bboom Bboom dance challenge at Stupid Love ang sabunutan at alitan ng Kapuso stars.
Ayon kay Katrina, iba ang epekto kapag isang buong linggo na silang magkakasama, “Nabaliw na kami. Supportive naman ang production sa [amin] kahit [nagmamadali] na kami at marami pang kukunan.”