
Ipinasilip ng Inagaw na Bituin actress na si Therese Malvar ang husay niya sa pag-deliver ng mga mabibigat na linya mula sa mga sikat na local films.
Ginaya ni Therese ang ilan sa mga madamdaming linya nina Megastar Sharon Cuneta sa Dapat Ka Bang Mahalin (1984), Superstar Nora Aunor sa Himala (1982), Diamond Star Maricel Soriano sa Kaya Kong Abutin ang Langit (1984), at Star for All Seasons Vilma Santos sa Paano ba Mangarap (1984).
Panoorin kung paano kumasa si Therese sa acting challenge na ito:
WATCH: Kyline Alcantara imitates iconic dramatic stars