
Hindi nagpahuli sa level ng kakulitan at kapilyuhan si Thirdy Ravena kina Boobay at Tekla sa March 8 episode ng The Boobay and Tekla Show.
Matapos ang nakakaloka at nakakalitong interview ng laugh-out-loud tandem at trending comedians sa Ateneo basketball player, sumabak si Thirdy sa intense acting workshop kasama sina Boobay at Tekla.
Ipinakita niya kung paano nga ba siya manligaw at kung ano ang kanyang gagawin sa isang confrontation sa pagitan ng kanyang tunay na girlfriend at kanyang ka-date. Na-hot seat din siya sa isang very naughty Q and A portion.
Panoorin:
Abangan ang second part ng interview ni Thirdy kasama sina Boobay at Tekla kung saan haharapin niya ang kakaibang challenge sa Martes, March 13. Ugaliing tumutok tuwing Martes at Huwebes sa GMANetwork.com/TBATS at GMA Network YouTube channel para patuloy ang good vibes!