
Isang proud para dancer ang 15-year-old na si Bea Agbagala na may nakamamahangang talento sa pagsayaw.
Ang Para Dance o Wheelchair Dance ay isang larangan ng pagsayaw ng mga taong may kapansanan sa mababang parte ng katawan.
Tulad ng ballroom dancing, isinasayaw gamit ang wheelchair ang iba't ibang klase ng sayaw tulad ng waltz, tango, Viennese waltz, cha-cha-cha, at marami pang iba.
Pero sa likod ng elegant dance moves ni Bea ang nakakalungkot na istorya nito.
Ikinuwento ng kaniyang ina na naaksidente si Bea noong two years old pa lamang ito.
"Nagkaroon siya ng demyelinating disease," sabi ng ina. Dahil dito, naiwan ang kaniyang anak na paralyzed mula sa binti hanggang paa.
Ngunit 'di naging hadlang para kay Bea ang kaniyang kapansanan para sumali sa para dance sports -- na hinikayat ng kaniyang kasalukuyang coach.
At gaya ng ilang bata na may katulad na kondisyon, patuloy na nagsasanay si Bea para mapagaling ang kaniyang skills at talent.
Sa katunayan, lumalahok din si Bea sa iba't ibang international competitions abroad para ipakita ang galing ng mga Pinoy sa para dancing.
Ang payo ni Bea sa mga batang tulad niya?
Aniya, “Follow your dreams at wag mag-gi-give up agad. Basta try and try.”
Panoorin ang inspiring story ni Bea sa ulat ni Rhea Santos:
WATCH: How Bogart the Explorer lost 100 pounds in 9 months
Getting kicked out of the wedding entourage jump-started this woman's fitness journey