
Sa huling episode ng Ang Forever Ko'y Ikaw, nagsimula na ang forever nina Lance at Ginny pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nasangkot sila sa isang malagim na aksidente.
Labis ang kalungkutan ng kanilang mga anak na sina Marione at Benjie matapos silang bawian ng buhay. Sila na kaya ang magtutuloy sa forever ng kanilang mga magulang?
Maraming salamat, mga Kapuso, sa pagsubaybay sa nakakakilig at kuwelang kwento nina Lance at Ginny sa Ang Forever Ko'y Ikaw.
Tunghayan simula Lunes, May 7, ang music-serye na My Guitar Princess na pagbibidahan nina Julie Anne San Jose, Gil Cuerva at Kiko Estrada.