
Sa May 5 episode ng Sunday PinaSaya, tinuruan ni Jose Manalo kung paano suyuin ang ating mga jowa sa segment na “How to Bae You.”
Magkakasama sa isang barkada outing ang mga karakter nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Jelai Andres, Ivan Dorschner, Kyline Alcantara, Kim Last, Barbie Forteza, at Jak Roberto.
Nang mag-away-away ang mga mag-jowa, tutulungan sila ni Bae Jose para pawiin ang galit ng kanilang mga jowa. Kuwento ni Bae Jose, “Iba't ibang klase ang galit ng inyong mga jowa, at sa bawat galit na 'yan, meron tayong pangtapat diyan kaya tuturuan ko na kayo kung paano niyo sila umpisahan amuhin.”
Una niyang pinayuhan si Jak, “Ang tawag sa galit ng gf mo, earth-type.” May element ng lupa at bato. Tuwing nagagalit 'yan lahat ng mahawakan niyan ibabato sa 'yo. Para mapaamo mo siya, lahat ng ibabato niya sa'yo iilagan mo lang.”
Ano kaya ang iba pang klase ng galit ng mga mag-jowa at paano kaya sila pa-aamuhin?
Panoorin sa Sunday PinaSaya:
WATCH: First interview of Marian Rivera after giving birth
Jelai Andres does the Dalagang Pilipina challenge in 'Sunday PinaSaya'