
“It's part of the near future.”
'Yan ang sagot ni Kapuso actress Carla Abellana nang tanungin kung malapit na raw ba silang ikasal ng kasintahan niyang si Tom Rodriguez.
Paliwanag ng dalawa na tamang panahon na lang daw ang hinihintay nila para magpakasal.
Aminado rin sina Carla at Tom na nape-pressure na sila lalo't nagsisimula na ring bumuo ng pamilya ang ilang celebrities at mga kaibigan na kasabayan nila.
Malapit na po 'yan, depende kay Tom at only God knows”
“Syempre alam ni Tom kasi siya magpo-propose e. Pero napag-uusapan naman na po namin 'yan at sobrang nakaplano na lang po siya.
“Only Tom knows,” pahayag ni Carla.
Panoorin ang buong chika ni Iya Villania:
Tom Rodriguez draws girlfriend Carla Abellana
Why does Tom Rodriguez love Aladdin?