
Absent man bilang Traffic Diva, tuloy pa rin ang pagbirit ni Aicelle Santos.
Hindi pa man nagsisimula ang GMA Pinoy TV event na gaganapin ngayong araw sa Dubai ay naka-duet naman ni Aicelle ang Philippine Consul General na si Hon. Paul Raymond P. Cortes.
Nangyari ang kanilang ala-'Just Duet' nang magbigay-pugay ang singer-actress kasama sina Alden Richards at Betong Sumaya sa Philippine Consulate General sa Dubai.
Mapapanood sa video na kuha mula sa GMA Pinoy TV Instagram account ang pag-awit nina Aicelle at Hon. Cortes ng kantang "Bakit Ngayon Ka Lang."
Ani Aicelle, “How often do you meet a Consul with a voice as good as this? Thank you ConGen Cortes for a #JustDuet opportunity with you! Mismo sir! Mabuhay po kayo at ang inyong opisina!”
“Kitakits tayo mga kapuso at kabayan mamaya sa Al Nasr Leisureland! Gates open at 6pm,” pag-imbita rin niya.
March 8 pa lamang ay dumating na sina Aicelle at Betong sa Dubai, habang humabol naman kahapon (March 9) si Alden. Sila ang mga Kapuso stars na bibida sa GMA Pinoy TV Kapusong Pinoy Dubai event na gaganapin ngayong araw, March 10.
READ: Aicelle Santos on performing in Dubai with Alden Richards and Betong Sumaya
Dahil din sa commitment ni Aicelle abroad, si Pia Guanio ang gumanap na Traffic Diva sa episodes ng Eat Bulaga kahapon at ngayong araw.