
Inilabas na ang trailer ng upcoming comedy film ng Kapuso comedian na si Jose Manalo.
Bibida ang Eat Bulaga Dabarkad na si Jose sa pelikulang Boy Tokwa: Lodi ng 'Gapo, ang unang feature film ng VST Productions sa ilalim ng direksyon ni Tony Y. Reyes.
Gaganap si Jose bilang si Rodrigo Morelos o Boy Tokwa, isang lalaki na nakipagsapalaran sa Olongapo at kinagiliwan ng mga dayuhan.
Kasama sa cast ng pelikula sina Joey Marquez, Karel Marquez, Allan Paule, Buboy Villar at Gian Sotto.
Ipapalabas ang Boy Tokwa simula January 8, 2019.
Panoorin ang official trailer: