What's Hot

WATCH: Trailers of MMFF 2016 official entries

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 2:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ito ang isang pasilip sa Die Beautiful, Ang Babae sa Septic Tank 2, Saving Sally at Sunday Beauty Queen.


Ngayong darating na Pasko, December 25, walong pelikula ang ihahandog ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF). Ilang linggo bago magsimula ang taunang film festival, panoorin muna ang trailers ng walong official entries.

1. Die Beautiful

Nasungkit ni Paolo Ballesteros ang Best Actor award sa 29th Tokyo International Film Festival para sa Die Beautiful nitong Nobyembre lamang. Bukod dito, naiuwi rin ng pelikula ang Audience Award mula sa nasabing film festival.

2. Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough

Sinundan ni Eugene Domingo ang naging box office hit na pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank noong 2011. Ngayon ay makakasama niya sa sequel ang beteranong aktor na si Joel Torre at si Jericho Rosales.

Video courtesy of Quantum Films

3. Saving Sally

Isang dekada ang inabot ng producers ng Saving Sally bago magawa ang pelikula. Bibida sa comic-book stylized film sina Rhian Ramos at Enzo Marcos.


Video courtesy of Avid Liongoren

 

 

4. Sunday Beauty Queen

 

 

Isang dokyumentaryo ang Sunday Beauty Queen tungkol sa mga Filipina OFWs na sumasali sa beauty pageants sa ibang bansa.


Video courtesy of Tuko Film Productions

 

 

Wala pang inilalabas na official trailers ang apat pang kalahok sa MMFF 2016 na Kabisera, Seklusyon, Oro, at Vince, Kath, and James.

 

 

MORE ON MMFF 2016:

LIST: 4 na inaabangang pelikula na hindi nakapasok sa MMFF 2016

Direk Erik Matti, happy with MMFF 2016 lineup