
Ang kambal na sumikat sa social media, gustong patunayan na mayroon rin silang ibubuga sa StarStruck.
Kilalanin sina Charles at Kyle Enriquez, ang kambal na sumikat sa social media dahil sa kanilang funny videos.
Sa kanilang pag-audition ay gusto nilang ipakita na kaya nilang makipagsabayan sa kapwa nilang hopefuls at gagawin nila ang lahat para pasukin ang showbiz. Maaliw rin kaya ang StarStruck judges at piliin silang makapasok sa Final 14?