
Umuwi ng maaga sa Linggo ng gabi, dahil mapapanood ang natatanging pagganap ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa kid-fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.
Gagampanan ng award-winning actress ang role ng kambal na sina Sheena at Mina.
Ano kaya ang mangyayari sa kuwento ng magandang magkapatid?
Huwag hayaan maging boring ang Sunday night ninyo at samahan sina Lola Goreng, Alice, Elvis at Moira sa panibagong fairy tale na kikiliti sa inyong imahinasyon.
Dito lang yan sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Hay,Bahay! sa panalong Sunday Grande sa gabi.