
Maging ang Unang Hirit hosts ay naka-one seat apart sa loob ng studio bilang pagsunod sa health guidelines tungkol sa social distancing para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ibinahagi ito ni Lyn Ching sa isang Instagram post kung saan makikitang may isang silya ang pagitan nila ng co-host na si Connie Sison.
"We in @unanghirit practice social distancing at work. And just as with everyone else, we take all the rules that have been imposed seriously," sulat niya.
Gayunpaman, nananatili pa rin ang kanilang layunin na magbigay ng saya at impormasyon lalo na sa panahon ng matinding pagsubok na dala ng COVID-19.
"Even so, we still need to smile and have light moments when we can despite this battle we are all fighting. We in GMA will keep doing what we can in giving you the latest information in our country's fight..... because it's ours. Together," aniya.
Sa ngayon, nananatili pa rin ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Under state of calamity naman ang buong Pilipinas dahil sa banta ng COVID-19.