
May bagong project na nakalinya para kay Kapuso leading lady Sanya Lopez matapos ang highly-successful telefantasya series na Encantadia.
Sa panayam ni Sanya sa 24 Oras, nagkuwento ang magandang dalaga sa mga paghahanda na ginawa niya para sa afternoon soap na kinailangan pa niyang mag-aral magdrive ng kotse.
Rocco Nacino at Sanya Lopez, muling magtatambal sa isang upcoming afternoon drama
“Mayaman daw ako dito kailangan ko mag-drive ng car.”
Hindi rin daw dapat palampasin ng mga Kapuso ang sexy scene niya kasama ang leading man na si Rocco Nacino.
“Marami kayong dapat abangan kasi isang pasabog ang magaganap.”
WATCH: Sanya Lopez, fresh sa unang taping day ng bagong serye
Dahil ‘tila nalilinya na si Sanya sa mga sexy roles, natanong din kung handa na ba siya na mag-pose sa isang men’s magazine?
Tugon niya, “Why not di ba. Parang malaking achievement ‘yun na mabigyan ka nang ganun kasi napansin ka nila. I’m happy na isa ako sa mga parang nililinya sa mga ganun.”
Video from GMA News