
Inamin ni Valeen Montenegro na siya ay isang selosa na kaibigan lalo na sa kanyang bestfriend na si Lovely Abella.
Kuwento ni Valeen sa Tonight With Arnold Clavio, “Selosa ako eh. So parang 'pag nakikita ko na 'uy nagkukuwentuhan 'yan ah. Parang bulong bulungan...”
Ibinuking ni Lovely na ayaw ng kanyang kaibigan na may nami-miss na bonding activity or chikahan. Paliwanag ni Valeen, “Feeling ko nami-miss ko lahat. Hindi naman praning, ano lang concerned.”
Natatawang pagpapatuloy ni Valeen, “Kasi gusto ko malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi naman sa ganun pero parang baka may mai-share din naman ako. Sayang eh!”