
“Alam mo ba kung gaano kita kamahal? Sobrang laking part mo sa buhay ko” ang palaging sinasabi ni My Korean Jagiya star Valeen Montenegro sa kanyang pinakamamahal na ason na si Unna.
“I love her. She gives happiness talaga to me,” dagdag ng aktres na bitbit ang kanyang pug kahit saan siya magpunta.
Stress reliever naman ang turing nina The One That Got Away stars na sina Dennis Trillo at Lovi Poe sa kanilang pets ayon sa report ng Unang Hirit.
Napamahal na si Dennis sa Pomeranian ni Ultimate Star Jennylyn Mercado, “Mahilig kami pareho sa mga animals, lalo na ‘yung aso dahil para sa amin, therapy siya eh. Ang lakas niyang maka-good vibes ‘pag nakikita mo siya, parang excited siya palagi. Ang lakas magpasaya kapag may inaalagaang pet na alam [mong] mahal ka din niya.”
Excited parating umuwi si Lovi dahil sa apat niyang aso, “Iba kasi kapag may dogs sa house, parang nakakapawi ng pagod. They call it the four-legged therapy. Uwing-uwi na tuloy ako kasi gusto ko silang makasama.”
Loyalty naman ang nakukuha ni Sherlock Jr. star Gabbi Garcia mula sa kanyang 11-year-old toy poodle, “You have your companion every day tapos siya talaga ang hindi ka iiwan eh.”
Video courtesy of GMA News