
Dahil sa kanyang hilig sa pagsayaw, nagpatayo si Valeen Montenegro ng sariling dance studio.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, ang pagsayaw daw ang sikreto ng Sunday PinaSaya star sa kanyang pagiging fit.
Sambit ni Valeen, “Masarap ‘yung feeling kasi parang hindi ka nagwo-workout but you get the cardio in, plus you’re having fun.”
“You have endorphins after. You don’t feel like working out. You make new friends also,” patuloy niya.
Nagbigay rin ng payo si Valeen para sa mga nais magkamit ng beach-ready body bago ang tag-init.
“Don’t eat fast food, try mong iwasan ‘yan. Lessen the drinking. Exercise regularly. That’s it. Smile, be happy,” bahagi niya.