What's Hot

WATCH: Vaness del Moral, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

By Al Kendrick Noguera
Published September 9, 2017 2:58 PM PHT
Updated September 22, 2017 10:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



'Impostora' star Vaness del Moral is now engaged to non-showbiz boyfriend. Watch the full story.

Nadagdagan ang listahan ng mga inaabangang celebrity weddings matapos aminin ni Kapuso actress Vaness del Moral na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa recent guesting ni Vaness sa Mars, napansin ng talk show hosts na sina Camille Prats at Suzi Abrera na mayroong tinatakpan ang aktres sa kanyang daliri. 'Di kalaunan ay ipinakita na rin ni Vanesss sa camera ang engagement ring na kanyang itinatago.

 

 

Photo by: Matt Kier (FB)

 

Ayon kay Vaness, nangyari ang proposal noong nasa Coron, Palawan sila ni Matt habang ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan noong Mayo.

Lagpas dalawang taon nang magkarelasyon sina Vaness at Matt. Ang huling celebrity boyfriend ng aktres ay si Biboy Ramirez ngunit naghiwalay ang dalawa noong taong 2013.

Panoorin ang kabuuan ng Mars interview ni Vaness: