What's Hot

WATCH: Vic Sotto and Dawn Zulueta play Jackpot En Poy during break from their movie shoot

By Aedrianne Acar
Published September 19, 2017 11:54 AM PHT
Updated September 22, 2017 8:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ipinasilip ni Bae-by Baste sa kanyang social media account na naglaro ang mga bida ng Meant To Beh ng Jackpot En Poy habang break sa shooting ng pelikula.

Kitang-kita sa mga artista na bumubuo ng 2017 Metro Manila Film Festival entry na ‘Meant To Beh - Ika-Something na Utos’ kung gaano sila ka-close lahat habang nagti-taping.

Mapapansin sa kani-kanilang mga Instagram accounts ang bonding time nila together, tulad na lang nang ipinasilip ni Bae-by Baste na naglaro ang mga bida ng Meant To Beh na sina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta ng patok na Eat Bulaga game na Jackpot En Poy.

 

Jackpot en Poy break po muna with my Tatay Ron and Mum Andrea @dawnzulueta ?????????????????????????? #MeantToBeh #MMFF2017 #abanganyopo

A post shared by Baste (@iambaebybaste) on

 

READ: Kapamilya actor JC Santos, enjoy kasama sa shooting sina Bae-by Baste at Gabbi Garcia

Nag-react naman ang versatile actress na si Dawn Zulueta sa naturang post ng child wonder at niyaya din ito na maglaro ng isang pang game.

 

 

Bukod sa bagong movie na ginagawa ni Bossing Vic, ipapalabas sa darating na Linggo, September 24 ang Kapuso gag show and game show ni Bossing na Bossing & Ai.

Dito makakasama niya ang nag-iisang Comedy Queen of the Philippines na si Aiai delas Alas at si Oyo Sotto.