
Excited at feeling first-time dad muli si Vic Sotto ngayong paparating na ang panganay nila ni Pauleen Luna.
Sambit ni Vic sa exclusive interview ni Lhar Santiago, “Sa mga ipo-post ni Pauleen, you know, ‘yung dito sa bagong page ng aming buhay and of course, she loves sharing it to the people, so eto, magandang pagkakataon ito.”
“Social media, I’m not really into it but I’m always, kumbaga eh palagi akong updated,” patuloy niya.
Nagpapasalamat si bossing na hindi maselan ang pagbubuntis ni Pauleen.
Aniya, “Hindi naman siya ‘yung tipong hirap magbuntis. Hindi naman siya ‘yung tipong naghahanap ng kung ano-ano. One thing I noticed lang, marami siyang ayaw na dati gusto niya.”
Hirit din niya tungkol sa magiging pangalan ng kanilang anak, “Meron na kaming working title which is Jessica Sotto (laughs). Wala pa, wala pa. We’re still working [on] it. We have some names lined up.”
Papayagan pa rin kaya ni Vic na ipagpatuloy ni Pauleen ang kanyang career kapag may anak na sila?
Wika niya, “Hindi naman maaalis sa kanya ‘yun, but I definitely believe that she will be a full-fledged mother. So kumbaga, priorities will change, I think. Ang magiging priority is the baby, second na lang ‘yung career.”
Sa parehong panayam, ibinahagi ni Vic na pasok sa Metro Manila Film Festival 2017 ang entry niyang #FamilyGoals kung saan magiging leading lady niya si Dawn Zulueta.
Saad ni bossing, “Diniretso ko na ‘yung family. Pamilya talaga. It’s for the family. Istorya ng something we can relate to.”
Video from GMA News