Celebrity Life

WATCH: Vic Sotto, itinuturing na blessing in disguise ang pagkalaglag ng pelikula sa MMFF

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi man nakapasok bilang official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanyang pelikula, gusto na lamang daw tignan ni Vic Sotto nang positibo ang naging desisyong ito. 


Hindi man nakapasok bilang official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanyang pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers, gusto na lamang daw tignan ni Vic Sotto nang positibo ang naging desisyong ito. 

Paglilinaw ni Vic sa naging press conference ng kanyang pelikula, “I don’t have anything personal against them. Kung ako may sama ng loob, ito’y hindi para sa akin kundi para sa mga bata."

"For the first time in so many years, panahon pa nila FPJ, nila Dolphy, hindi nawawalan ng pambata. Ang masakit lang para sa akin, hindi nila nirespeto ‘yung panlasang ‘yun ng manonood ng pelikulang Pilipino,” patuloy niya.

READ: Vic Sotto to MMFF officials: "Sana nirespeto nila ang panlasa ng Pinoy"

Gayunpaman, matamis pa rin ang ngiti ni Bossing nang ianunsiyo niyang mapapanood ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers bago pa man sumapit ang Pasko.

Aniya sa panayam ng 24 Oras, “It’s a blessing in disguise for us. Mas hahaba ‘yung play date namin.”

Dugtong pa niya, “For the first time in about 15 years, I will have a normal Christmas day. Dati, more often than not, ‘yung utak ko nasa festival eh.”

Makakasama ni Vic sa naturang pelikula ang tatlong lola mula sa Eat Bulaga Kalyeserye na binibigyang-buhay nina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros, at pati na rin ang ma Kapuso stars na sina Ryzza Mae Dizon, Bea Binene, Ryza Cenon, at Ken Chan. May special participation din ang kanyang misis na si Pauleen Luna at ang phenomenal tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza. 

Video from GMA News

MORE ON VIC SOTTO:

LIST: 4 na inaabangang pelikula na hindi nakapasok sa MMFF 2016 

IN PHOTOS: At the set of Enteng Kabisote 10 and the Abangers

LOOK: BosLeng and AlDub on the cover of entertainment magazine