
Kahit si Vice Ganda ay nabighani kay Marian Rivera.
Pinuri ni Vice ang ganda ni Marian nang bumisita ang Kapuso actress sa set ng kanyang pelikula kung saan makakasama nito si Dingdong Dantes.
“Napakaganda ni Marian!!! Mukha talagang artista! Nagmukha akong puchu puchu,” sambit ng komedyante.
Hindi rin niya naiwasang ikumpara ang sarili sa aktres na talagang hinahangaan niya.
Hirit niya, “Nung natitigan ko 'yung mukha ni Marian napaisip talaga ko kung paano ko naging artista!!! Di ako nakarecover agad! Fowtah ang ganda e! #faney”
Nagpasalamat din si Vice sa mag-asawa dahil nakasama niya si Dingdong sa kanyang ginagawang Metro Manila Film Festival entry.