
Magiging mas ma-aksiyon daw ang mga susunod na episodes ng GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol, ayon sa lead star nitong si Alden Richards.
Mas dadami daw kasi ang mga halimaw na ipapadala ni Loki (John Estrada).
"Talagang ginagawan niya ng paraan para ma-test 'yung ugali ni Victor or 'yung heroism niya through doon sa pagpapadala niya ng mga halimaw para maghasik ng lagim sa bayan nila. Tapos biktimahin 'yung mga malalapit sa buhay niya," kuwento ni Alden.
Bukod dito, maaari na rin bumili ng official merchandise ng Victor Magtanggol. Limited edition ang mga items tulad ng mugs, T-shirts at pillows na eklusibong mabibili sa GMA Store.
"Initial merchandise pa lang ng Victor Magtanggol so abangan niyo 'yan," ani Alden.
Panoorin ang ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: