
Sa August 16 episode ng Victor Magtanggol, nag-improve na si Victor (Alden Richards) bilang isang superhero salamat sa paggabay ni Sif (Andrea Torres) at Magni (Miguel Faustmann).
Matagumpay niyang masusugpo ang Martilyo Gang at makakapagligtas pa ng isang hostage.
Pero matapos tanggalin ni Victor ang baluti, mapapagkamalan siyang kasama ng mga kriminal dahil hindi niya maipaliwanag sa mga pulis kung bakit siya nasa lugar ng engkuwentro.
Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.