
Sa September 14 episode ng Victor Magtanggol, pinanghinaan na naman ng loob si Victor (Alden Richards) dahil sa pagkabigong mailigtas si Renato (Freddie Webb).
Dahil dito, nais na niyang isuko ang mjolnir at ang kanyang tungkulin bilang bagong tagapagtanggol.
Hahamunin naman siya ni Sif (Andrea Torres) na puksain si Loki at bawiin ang lahat ng namina nitong Asgardum para makabalik na silang lahat sa dati nilang mga buhay.
Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.