
Matapang na sinagot ng Prima Donnas boys na sina Vince Crisostomo, Will Ashley, Julius Miguel, at Jimwell Ventenilla ang ilan sa mga daring question ng netizens.
Sa latest vlog ni Will, inamin ng apat ang mga Kapuso actress na gusto nilang makatambal.
"Si Klea Pineda po," mabilis na sagot ni Vince.
Para naman kay Will, "Siyempre Bianca Umali. Sinabi ko 'yan sa second vlog ko."
Ang pinili naman ni Julius ay si Kim Domingo samantalang si StarStruck Season 7 avenger Pamela Prinster ang sagot ni Jimwell.
Tinanong din ang boys kung ano ang prefer nila, lights off ba o lights on?
Alamin ang kanilang sagot at panoorin ang latest vlog ni Will:
Tutukan din ang lalong gumagandang istorya ng number 1 afternoon drama sa Pilipinas na Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.
WATCH: 'Prima Donnas' star Will Ashley, umamin na crush niya si Julie Anne San Jose