What's on TV

WATCH: Viral blind rapper na si Kokey, ginawaran ng Puso ng Saya award ng 'Sunday PinaSaya'

By Cara Emmeline Garcia
Published July 29, 2019 11:37 AM PHT
Updated July 29, 2019 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, Kokey! Ikaw ang kauna-unahang "Puso ng Saya" awardee ng 'Sunday PinaSaya.'

Iginawad ng Sunday PinaSaya ang kauna-unahang “Puso ng Saya” Award kay Jericho “Kokey” Fernando Corpus, ang visually-impaired rapper ng Malabon.

Sa naganap na live afternoon show noong July 28, isang dream come true para kay Kokey na kumanta kasama sina Julie Anne San Jose at ang idolo niyang si Gloc 9.

Maraming salamat sa inspirasyon, Kokey! ❤❤❤ #SPSRoadToAnniversary

A post shared by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on

Nakilala ni Gloc 9 si Kokey sa isang online video na ipinadala sa kaniya at naantig sa ipinakitang talentong nito.

Kaya naman ang #RapKalungkutan, ang kantang isinulat ng amateur rapper, inarrange pa ni Gloc 9 at pinerform ito on-stage.

Kokey's first single, #RapKalungkutan #SPSRoadToAnniversary

A post shared by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on

WATCH: Kokey, the visually impaired rapper, performs with Julie Ann and Gloc 9 on 'Sunday Pinasaya'

Two years old pa lamang si Kokey nang malaman ng pamilya niya na bulag ang kanilang anak at magmula noon ay iniwan na ito sa alaga ng kaniyang lola sa Malabon.

Habang lumalaki, naka-experience si Kokey ng ilang pangbubully mula sa mga kapitbahay at kamag-anak.

Nang madiskubre niya ang rap music, ginamit niya ito para makaipon ng pera para sa kaniyang pamilya.

Panoorin:

WATCH: Viral blind rapper Kokey, nakilala ang idol na si Gloc 9