
Thankful ang Kapuso child actor na si Raphael Landicho na nakapagsimula na siyang mag-training para sa Voltes V: Legacy kasama ang co-stars niya.
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 'Chika Minute' segment ng 24 Oras noong Lunes, June 20, ipinakita pa ni Raphael ang kanyang taekwondo moves na kanya raw natutunan mula sa kanyang martial arts training.
Dalawang taong nahinto sa pagte-taping ang Kapuso child actor dahil sa COVID-19 pandemic kaya inamin niyang na-miss niya ito.
"Nakaka-miss mag-work and marami po akong nakikilalang ibang tao," sambit ni Raphael.
Dahil excited sa bagong project, pati ang kanyang look ay pinagtutuunan niya ng pansin.
Ayon kay Raphael, sinasadya raw niyang pahabain ang kanyang buhok para sa role niya sa inaabangang Voltes V: Legacy na Little Jon.
Habang break sa taping at online classes, hindi pinalampas ni Raphael na dumalo sa special advanced screening ng Disney animated movie na Lightyear kasama ang kapwa niya Sparke artists.
Panoorin ang buong report dito:
Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.
Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei Company at Telesuccess Productions, Inc.
Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated GMA series: