
Mainit na pinag-usapan ang pagkapanalo ni Vico Sotto sa pagka-mayor ng Pasig City noong nakaraang eleksyon.
Bilang baguhan sa politika, marami ang humanga sa kanyang ipinakitang katapangan at prinsipyo dahil siya ang pumutol sa 27 taong pamumuno ng mga Eusebio sa naturang siyudad.
Sa one-on-one interview ni Lei Alviz para sa GMA News, inilahad ni Vico ang dahilan kung bakit niya naisipang tumakbo sa pagka-mayor sa edad na 29.
"Noong nanalo po ako noong 2016, never in my wildest dreams na 2019 tatakbo na 'ko para mayor.
"But I saw the need, I saw the clamor for change, and I saw that no one else is going to run for mayor so I decided to step up."
Dahil isang malaking hamon ang kanyang kakaharapin, malaking bagay para kay Vico ang paggabay at mga payo ng kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes upang magampanan nang mabuti ang kanyang tungkulin.
"Si Mama naman ang payo lang sa 'kin ay 'wag kalimutan ang Diyos, laging magdarasal, always have faith.
"Ang tatay ko naman ang payo niya sa 'kin ay lagi kang makikinig sa nanay mo," ika ni Vico.
Panoorin ang buong panayam sa video na ito: